Wednesday, May 23, 2007
Tag-lamig, Tag-ulan, at Tag-init!!!
Si Tag-lamig, si Tag-ulan at si Tag-init ay nagbibigay kahulagan sa bawat araw ng aking buhay. Sa bawat dalaw nila, ibat-ibang pananaw at aspeto ng buhay ang nakikita ko. Pero ang sabi ng nag Likha sa ating lahat, ano mang panahon, at kung si Tag-lamig, si Tag-ulan at si Tag-init ang dadalaw, maging handa tayo at patuloy tayong makikibaka sa mundong sa ibabaw na may kagalakan at pasasalamat sa Kanya.

Si Tag-lamig ay hindi ko na sya naramdaman, tuluyan na syang nawala at hihintayin ko ang kanyang pagbabalik bago matapos ang taon na ito. Tuwing dadalaw si Tag-lamig, natutuwa ako dahil lumalabas ang ibat-ibang kulay ng baro at laging nakaporma ang mga tao. Lagi akong nasa labas kapag si Tag-lamig ang nandyan. Minsan mahirap si Tag-lamig kasi sumasakit ang aking buto-buto sa lamig at mahirap maligo.

Si Tag-ulan naman ay pabugso-bugso, minsan mahina lang sya at minsan super lakas sya at kasama pa niya si Kidlat at Kulog at si Bagyo. Kapag kapanahonan nya talaga halos isang linggo sya dumadalaw. Masaya naman kung si Tag-ulan ang nandyan dahil masarap kumain at sa bahay lang ako lagi. Minsan hindi ako masaya kapag nandyan si Tag-ulan dahil hindi ako nakakalbas ng bahay. Ayoko pa naman dalhin si Payong.

Si Tag-init naman ay ito na rumarampa na sa buong bayan. Makikita ko na naman lagi ang dagat dahil masarap pumunta doon. Mahirap din sa akin kapag si Tag-init ang dadalaw dahil super lakas ang kanyang "power." Ganon pa man masaya syang kasama.

Ano mang panahon ang dadalaw sa atin ang pinakamahalaga ay masaya tayo at sa biyaya ng Maykapal patuloy tayong nabubuhay na may galak at pasasalamat sa puso.

(Man, ang hirap magtagalog...bisaya na lang kaya...mahirap din....kapag English mahirap din heheh...mahirap talaga...lol..lam ko na Chinese na lang.)
posted by GeNfAitH @ 11:20 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
 
about me
My Photo
Name:
Location: Hainan, China

Made to make a difference; destined to do extraordinary things.

My Music
Previous Post
Archives
Life's Purpose

"To do eternal and timeless (God's purpose) in a contemporary way (in my generation)."

Life Verse

"If you try to keep your life for yourself, you will lose it. But if you give up your life for my sake and for the sake of the Good News, you will find true life." Mark 8:35

Links
Fav Blogger
Flickr Photos
Template by
Free Blogger templates